It has been five years since I left my home. At aaminin ko na hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakaka-move on sa sakit na dulot ng lalaking iyon pero nagkaroon ako ng bagong dahilan para magpatuloy sa buhay.
Marami-rami na
din naman ang nangyari sa loob ng limang taon na iyon.
Tuluyan na din
akong nag-resign sa trabaho ko at nagdesisyon na pumunta sa isang lugar kung
saan walang nakakakilala sa akin.
Sa tulong ni
Ferry, napadpad ako sa isang lugar na alam kong hindi kailanman pupuntahan ni
Enver kaya magiging tahimik ang panibagong buhay na gusto ko para sa sarili ko.
Nagtayo ako ng
isang maliit na karinderya malapit sa isang factory ng mga candy at naging
maganda naman ang naging kita ko dito dahil talagang nasa tamang pwesto din
talaga ako.
Marami akong
naging customer na nagtatrabaho sa factory at lahat sila ay naging mabait sa
akin kaya naman habang tumatagal ay nagiging komportable na din ako sa
pagbabagong nagaganap sa buhay ko.
Isa na doon si
Mikea Reese, isang line leader sa factory.
Siya ang
kauna-unahang customer ng karinderya ko at lagi siyang kumakain doon.
Magkalapit din ang inuuwian namin at madalas ay sabay kaming umuwi tuwing gabi
kaya naman naging malapit na kami sa isa’t-isa hanggang sa naging magkaibigan.
Pero noong
nakaraang dalawang buwan lamang ay nag-resign na siya sa trabaho niya bilang
line leader at lumipat sa mas malaking kumpanya bilang sekretarya.
Medyo hectic
ang pasok niya dahil sa dami ng trabaho na pinapagawa sa kanya ng boss niya
pero masaya niyang ginagawa ang lahat ng iyon dahil malaki din naman ang
sinasahod niya doon.
At dahil sa
kanyang sipag at tiyaga ay binigyan siya ng kanyang boss ng dalawang araw na
bakasyon at naisipan niya iyong gamitin sa pagtambay dito sa karinderya ko.
“Hindi ba dapat
ay ginagamit mo ang araw na ito para sa pahinga mo?” sabi ko sa kanya matapos
kong ibigay ang order ng isang customer ko. “Bihira ka nga lang mabigyan ng day
off kaya dapat ay sulitin mo ito.”
“Ate, madami
mang trabaho ang pinapaasikaso sa akin ng boss ko pero hindi naman iyon ganoon
kabigat kumpara sa trabaho ko sa pabrika,” sabi niya. “Kaya hindi ko naman
talaga kailangan ng day off. Sadyang hindi lang talaga ako pinapasok ng boss ko
dahil hindi din naman siya papasok at may pupuntahan daw siyang personal na
lakad.”
Well, galing
din naman ako noon sa pagtatrabaho sa isang opisina kaya masasabi kong hindi
nga ganoon ka-demanding ang trabahong iyon. Isip at kamay ang madalas kumilos
sa ganoong trabaho habang nakaupo kaya hindi na nga nakakapagtaka na ayaw
matulog maghapon ng babaeng ito.
“Besides, mas
gusto kong tumambay dito dahil bihira na lang tayong magkita,” dagdag niya.
“Na-miss kita.” Kumapit pa siya sa braso ko habang nagpapa-cure sa akin. “Hindi
mo ba ako na-missed?”
Tinitigan ko
siya at natawa na lang ako dahil sa ginagawa niya. Pinitik ko ang noo niya kaya
mabilis siyang bumitaw sa akin at hinimas ang noo.
“What was that
for?” inis niyang tanong.
“Hindi ko alam
kung saan mo natutunan iyang ganyang pagpapa-cute.” Oo na’t may pagkaisip-bata
pa itong si Mikea pero hindi naman siya ganito sa akin noon kahit pa gaano kami
ka-close.
Napanguso siya.
“Nakita ko iyon sa mga officemates ko,” aniya. “Nagpapa-cute sila sa boss ko
kapag gusto nilang mapansin nito.”
Tinaasan ko
siya ng kilay. “At sinubukan mo sa akin?”
Tumango siya.
“At bakit?”
Lumapad ang
ngiti niya sa akin. “Para pumayag ka na mamasyal tayo.”
Muli ko sana
siyang pipitikin muli sa noo ngunit agad na siyang lumayo sa akin kaya
bumuntong hininga ako. “Gustuhin man kitang samahan, alam mong hindi ko basta
maiiwan itong karinderya ko.”
“Alam ko,”
aniya. “Kaya nga mamayang gabi tayo aalis eh.”
Tinaasan ko
siya ng kilay. “At saan naman tayo pupunta ng gabi?”
“Bukas na kasi
iyong night market sa kabilang barangay at nakita ko sa social media na masarap
daw ang mga pagkain doon,” kwento niya. “Kaya naisip kong dalhin ka doon. Malay
mo, may maisip kang idagdag sa mga ulam na niluluto mo kapag nakatikim ka ng mga
pagkain doon.”
May point siya.
Makakatulong din sa akin kung titikim ako ng ibang luto at hindi lang ako
nag-i-stick sa iilang putahe ng ulam na alam ko.
Hindi man
sabihin ng mga customer ko, alam kong gusto din nilang makakin ng ibang ulam.
Wala lang silang ibang choice dahil ako lang ang nagtitinda ng pagkain malapit
sa factory na pinagtatrabahuhan nila.
“So?” Muli
siyang lumapit sa akin at kumapit sa braso ko. “Sasamahan mo ako mamayang
gabi?”
Napabuntong
hininga na lang ako. Mukha namang kahit subukan kong tumanggi ay hindi ako
titigilan ng babaeng ito kaya tumango na lang ako.
“Yes!” masaya
niyang sabi. “Ako na ang pupunta sa bahay nyo para masabihan si Inday na
gagabihin ka sa pag-uwi.”
Hindi na niya
ako hinintay pang makasagot at agad na lamang tumakbo papunta sa direksyon kung
nasaan ang apartment na inuupahan ko.
Matalino talaga
ang babaeng iyon kahit kailan. Umalis agad siya para masiguro na hindi na
magbabago ang isip ko at talagang sasamahan ko siya mamayang gabi sa paggagala
niya.
Napailing na
lang ako at ibinalik ang atensyon sa aking trabaho.
**********
Enver Andrius;
“Hindi ako
makapaniwala na nakatiis akong manatiling kaibigan mo,” singhal sa akin ni Dash
habang kanina pa siya pabalik-balik ng lakad sa harap ko. “Simple lang naman
ang hinihiling ko para sa araw na ito, tutal ay pinag-day off mo naman si
Mikea.”
“Just get lost,
Dash,” taboy ko sa kanya. “Marami pa akong trabaho na aasikasuhin. At pinag-day
off ko si Mikea, hindi para makapagpahinga ako kundi para walang istorbo sa
pagtatrabaho ko.”
“Aish!” Tumigil
siya sa paglalakad sa mismong harap ng table ko at inis na ginulo ang kanyang
buhok. “Bahala ka sa gusto mong gawin ngayon pero sinasabi ko sayo, babalik ako
dito mamayang gabi at sasama ka sa akin sa pupuntahan ko, sa ayaw at sa gusto
mo!”
At para
masigurong hindi ako makakatanggi ay agad na siyang umalis sa harap ko at
lumabas sa opisina ko na ikinailing ko na lang.
Masyadong
isip-bata ang isang iyon pero kahit ganoon ay nanatili siyang nasa tabi ko
kahit noong mga panahong lugmok ako sa lupa.
Napatingin ako
sa calendaryo na nasa ibabaw ng mesa ko at napabuntong hininga na lang nang
makita kung ano ang petsa ngayon.
Limang taon na
din pala ang nakakaraan.
Pero parang
kahapon lang dahil sariwa pa sa akin ang sakit ng pag-alis niya nang hindi man
lang nagpapaalam sa akin.
Dahil sa isang
pagkakamali na hindi ko naman sinasadya ay nasira ang relasyon na ilang taon ko
ding iningatan. At wala naman akong ibang masisisi kundi ang sarili ko lamang
dahil hinayaan kong mahulog ako sa bitag ng sarili kong ama.
Kung sana ay
kinausap ko na lang si Milan, ang aking asawa, at ipinaliwanag sa kanya ang
lahat. Sana ay sa akin niya mismo nalaman ang lahat nang sa gayon ay
naliwanagan siya na hindi ko ginusto ang mga nangyari.
Simpleng
komunikasyon lang naman ang solusyon pero hindi ko ginawa dahil ako mismo ay
nagkulang ng pagtitiwala sa aking asawa.
Pero ano pa nga
ba ang magagawa ng pagsisisi ko?
Iniwan na niya
ako ng tuluyan at kahit saang sulok ko siya hanapin ay hindi ko magawa dahil
mismong kaibigan niya ang humaharang sa akin.
Kaya wala akong
ibang nagawa kundi ang magpatuloy na lamang sa buhay habang naghihintay ang
pagkakataon na muli kaming magkikita.
Wala mang
kasiguraduhan ngunit ayaw kong mawalan ng pag-asa dahil naniniwala akong kami
pa din ang nakatadhana sa isa’t-isa.
Comments
Post a Comment