At dahil nga gustong makasiguro ni Mikea na sasamahan ko siya sa pupun tahan niya ay sinakto niya ang dating sa mismong oras na nagsasara na ako ng karinderya ko.
"Nasabihan
ko na si Inday at pumayag naman siya na magtagal tayo sa labas hanggang
10pm," sambit ni Mikea matapos kong mai-lock ang gate ng karinderya.
"Kaya huwag ka nang mag-alala sa bahay mo, okay?”
Napabuntong
hininga na lang ako. Wala na talaga akong kawala dahil naasikaso na niya ang
lahat mula sa bahay ko. “Oo na.” Inilagay ko na sa bag ko ang susi tsaka
lumapit sa kanya. “Siguraduhin ko lang na hindi tayo lalapgpas ng alas-diyes ng
gabi, huh. Sasabunutan kita kapag hindi ka nagpatangay umuwi kapag nag-aya
ako.”
Ngumiti siya at
kumapit sa braso ko. “Nako, huwag kang mag-alala. Alam ko naman na hindi ka
pwedeng lumagpas sa oras na iyon kaya promise, uuwi tayo agad.”
“Good.”
Madali namang
kausap ang isang ito kaya hindi na masama na pagbigyan ko siya ngayon. Bihira
lang din siya kung magkaroon ng day-off at ang mga ganitong pagkakataon ay
bihira lang din niyang gawin.
“Then, tara na
sa night market at lumamon ng marami!” masaya niyang sabi na ikinatawa ko na
lang.
Well, pagkain
na din naman ang pupuntahan namin kaya walang masama kung ie-enjoy ko ang
pagpasyal naming ito. Mag-uuwi na lang ako ng pasalubong para sa bahay.
“At para
makarating tayo agad doon, nagtawag na ako ng sundo natin.” Iginiya ako ni
Mikea sa gilid ng kalsada palapit sa nakaparadang tricycle. “Isinama ko na din
si Isko.”
“Hello, Ate
Milan,” nakangiting bati ni Isko, ang kapitbahay namin na may gusto kay Mikea.
Magkababata ang
dalawa at ang alam ko ay talagang patay na patay itong si Isko kay Mikea. Ang
kaso nga lang, walang interes sa lalaki itong kaibigan ko kaya naman ilang
beses na niyang sinasabi dito na hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay.
At hindi naman
iyon naging hadlang sa pagkakaibigan nila. Though, ang pamilya naman nila ang
naging hadlang sa closeness nilang dalawa.
Elementary lang
kasi ang natapos ni Isko. Maaga siyang nawalan ng mga magulang kaya siya ang
tumayong magulang para sa dalawang kapatid niyang babae.
Isinakripisyo
niya ang kanyang pag-aaral para magtrabaho at kumita ng ipangbubuhay sa
kanilang magkakapatid.
Habang si Mikea
naman ay nakatapos ng college at mayroong magandang trabaho kaya iniisip ng
kani-kanilang pamilya na hindi sila nararapat na maging magkaibigan.
Iniisip ng
pamilya ni Mikea nakikipaglapit ang lalaki dahil gusto siya nitong perahan.
Gustong hingan ng pera upang makaluwag sa buhay.
Iniisip ng mga
kapatid ni Isko na ginagamit ni Mikea ang nararamdaman ng lalaki sa kanya para
mapasunod ito sa anumang hilingin niya.
Kaya ang mga
ganitong pagkakataon na nagkakasama sila ay bihira lang.
“Mas mabuti na
iyong may sundo tayo para hindi na tayo mahirapan sa pagpunta at pag-uwi,” sabi
ni Mikea. “At sakto na nakita ko iyang si Isko sa pilahan kaya siya na ang
kinontrata ko. Plus, matagal-tagal na din kaming hindi nagkaka-bonding itong
best friend ko.”
Napangiti ako.
“Oo na.” Bahagya ko siyang itinulak papasok ng tricycle. “Ang dami mong sinabi.
Alam ko naman na na-miss mo lang si Isko kaya talagang sinadya mo siya sa
pilahan.”
Nanlaki ang mga
mata niyang tumingin sa akin. “Ate!”
Tinapik-tapik
ko ang braso niya. “You don’t have to deny that to me.”
“Huwag ka
namang magbiro ng ganyan, Ate Milan,” natatawang sambit ni Isko ng tuluyan
kaming makasakay sa tricycle niya. “Baka mamaya ay maniwala ako diyan.”
“Oo nga!” alma
ni Mikea. “Baka nga maniwala iyan at mag-assume pa.”
“Nasa iyo naman
kung maniniwala ka o hindi,” sambit ko. Bahagya pa akong natawa nang panlakihan
ako ng mata ni Mikea.
Well, ang totoo
kasi niyan ay may gusto din ang babaeng ito kay Isko pero dahil sa sitwasyon ng
pamilya nila ay ipinipilit niyang wala siyang nararamdaman para dito nang sa
gayon ay hindi lumala ang sitwasyon.
Para sa kanya,
mas makakabuti kung magiging magkaibigan sila dahil hindi din niya kayang
suwayin ang pamilya niya. At kailangan pa si Isko ng mga kapatid nito kaya ayaw
din niyang dumagdag sa aalalahanin nito.
“Palabiro ka
talaga, Ate Milan.” Napailing na lang si Isko at tuluyan nang pinaandar ang
tricycle.
Hindi na ako
nagsalita pa.
Wala kasi akong
karapatan na manghimasok sa sitwasyon nilang dalawa. Though, nandito lang ako
kung sakaling kailangan nila ng tulong.
***********
Enver Andrius;
“Pakisabi nga
sa akin kung bakit sumama ako sayo dito?” naiiling kong sambit kay Dash nang
makarating kami sa harap ng isang night market.
“Dahil sinabi
ko sayo na tutulungan kitang magkaroon ng contact sa Anox nang sa gayon ay
maging dealer ka din nila para sa mga kotse nila,” nakangiti niyang sambit. “At
kapalit noon ay sasamahan mo ako sa food trip ko dito.”
Napabuntong
hininga ako.
Yeah, iyon nga
ang dahilan.
Iniwan ko ang
lahat ng trabaho ko matapos niyang sabihin na kaya niya akong i-schedule ng
appointment sa mismong may-ari ng Anox, ang car manufacturer ng pinakamahal na
sasakyan sa buong mundo.
Kahit kasi
mahal ang mga sasakyan na ginagawa sa kumpanyang ito ay talaga namang
pinagkakagastusan ito at iilang car dealer shop lang ang may permission na
magbenta ng mga ito.
Karamihan sa
customer ng shop ko ay mga kotseng gawa ng Anox ang gustong bilhin kaya naman
ginagawa ko ang lahat upang magkaroon ng kontak sa loob nito.
Ang mismong
may-ari lang ang nag-iisang tao na makakapag-autorize sa akin para ibenta ang
sasakyang gawa ng kumpanya nila.
Pero hindi
madaling makakuha ng appointment dito.
At para sa
tulong ni Dash na magkaroon ako ng pagkakataon na makaharap si Mister Neon, ang
may-ari ng Anox, ay sumama ako sa kanya dito kahit na ayaw ko talagang umalis
sa office ko.
“Let’s just
enjoy the night, En,” ani Dash. “Aba’y matagal na din nang huli tayong
mag-bonding, hindi ba? Huwag mo na munang intindihin ang trabaho mo dahil bukas
na bukas din ay sisiguraduhin ko na haharapin ka ni Lancelot.”
Tinaasan ko
siya ng kilay. “You call him by first name. Close kayo?”
Ngumiti siya at
tumango. “Hindi lang kami basta close…” Ipinakita niya sa akin ang kamay niya
at ang kanyang hintuturo ay nakapulupot sa kanyang gitnang daliri. “Ganyan kami
ka-close.”
“Bakit parang
hindi kapani-paniwala?”
Likas na mabait
si Lancelot Neon, iyan ang madalas kong mabasa sa mga magazine kung saan siya
napi-featured, pero hindi siya iyong tipo ng tao na nakikipag-close sa iba. As
far as I know, he preferred to be alone most of the time. Kaya hindi talaga
kapani-paniwala ang sinasabi nito.
“Magtiwala ka
na lang, okay?” Inakbayan niya ako. “Sa ngayon, mag-enjoy muna tayo.”
Napabuntong
hininga na lang ako. Wala na naman akong choice dahil nandito na kami at hindi
na ako basta makakabalik pa sa opisina ko.
Well, hindi
naman siguro masama na mag-relax kahit ilang oras lang.
Comments
Post a Comment