Matapos kong labasan ay agad na kumuha si Enver ng wet wipes tsaka pinunasan ang kanyang mukha na nabasa ng aking katas. Kasunod noon ay pinunasan din niya ang aking pagkababae pagkuwa’y nahiga na sa aking tabi.
“Let’s sleep for a while,” sabi niya tsaka
mahigpit akong niyakap at hinalikan ang aking noo. “I will make you feel good
later.”
“W-what about you?” tanong ko.
“Alam kong nanghihina ka pa dahil sa intense ng
pagpapalabas mo kaya mas makakabuti kung magpapahinga ka muna.” natatawa niyang
sabi tsaka hinaplos ang aking puson. “Mag-ipon ka ng lakas dahil mamaya,
sisiguraduhin kong hindi ka makakalakad sa dami ng gagawin ko sayo.”
Isinubsob ko na lang ang aking mukha sa kanyang
dibdib at mahigpit ding yumakap sa kanya.
Ilang buwan ko ding hindi nagawa ito sa kanya
dahil kapag lasing siya ay lagi lang siyang nakatalikod sa akin habang
natutulog. Kapag naman niyayakap ko siya mula sa likod ay bigla niyang
tatabigin ang aking kamay kaya hindi na ako nagpipilit pa.
“I am sorry,” mahina niyang sabi.
“Hmm?” Iniangat ko ang aking mukha upang magtama
ang aming tingin. “Sorry for what?”
“Alam kong napabayaan kita nitong mga nakaraang
buwan,” aniya. “Huwag kang mag-alala. Babawi ako sayo.”
Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan
sa paghingi niya ng tawad. Iyong pagkakasabi niya kasi ay para bang mayroon
siyang malaking kasalanan na nagawa sa akin.
“I love you.” Muli niyang hinalikan ang noo at
labi ko.
“I love you too.”
__________
Sa pagkakataong ito ay mahimbing nang natutulog
si Enver kaya naman dahan-dahan kong inalis ang kanyang kamay sa pagkakayakap
sa akin pagkuwa’y bumangon ng kama.
Dumeretso muna ako ng banyo para makapaghugas ng
katawan at nang bumalik ako sa aming kwarto ay napatitig lang ako sa aking
asawa.
Hindi ako makatulog dahil sa biglaan niyang
paghingi ng tawad kanina. Iyong tono ng kanyang pagsasalita ay para bang may
iba pang nilalaman ang pagso-sorry niyang iyon.
Pero hindi ko alam kung paano mawawala ang kaba
na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
At doon dumapo ang tingin ko sa kanyang
cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
Nagsimulang kumabog ang dibdib ko dahil isa lang
ang naiisip kong gawin sa mga oras na ito.
Pero hindi ko naman ugali na i-check ang kanyang
cellphone lalo na’t kahit paano ay binibigyan ko pa din siya ng sarili niyang
privacy.
But right now, I can’t think of that anymore.
Huminga ako ng malalim pagkuwa’y nilapitan ang
cellphone ni Enver. Ilang sandali ko pa iyong tinitigan bago ako tuluyang
nagdesisyon na hablutin iyon at dalhin sa loob ng banyo upang doon tingnan ang
nilalaman nito.
Makailang hingang malalim pa nga ang aking
ginawa dahil talagang malakas ang kabog ng aking dibdib bago ko nilakasan ang
loob ko at bunuksan ang kanyang cellphone.
Ako ang nag-set ng pincode nito nang bilhin
namin ang cellphone na ito at ipinagpapasalamat ko na hindi pa din niya ito
binabago kaya naging madali para sa akin ang pagbubukas nito.
Una kong tiningnan ang mga messages application
na kanyang ginagamit para sa trabaho. Dito ay puro message lang ng kanyang
secretary at mga investors ang nakita ko.
Sunod kong tiningnan ay ang kanyang phonebook at
wala naman akong nakita na kakaiba sa mga pangalan ng mga nandoon. Puro
kakilala ko lang din at ilang mga katrabaho niya.
Kahit ang gallery niya ay tiningnan ko na din
pero wala din naman akong nakita na hindi normal. Kaya inisa-isa ko pa ang
bawat application na mayroon ang kanyang cellphone hanggang sa makita ko ang
isang files.
Medyo nag-aalangan pa akong buksan iyon dahil sa
takot na baka kung ano ang makita ko doon ngunit nilakasan ko ang aking loob at
pikit mata itong binuksan.
At hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan
ang ginawa kong ito dahil ang bumungad lang naman sa akin ay isang bagay na
siyang sumira, hindi lamang sa aking puso kundi maging sa buong pagkatao ko.
__________
“Are you sure about this?” tanong sa akin ni
Ferry, ang isa sa dalawang kaibigan na mayroon ako.
Nandito ako ngayon sa kanyang sasakyan na
kararating lang dito sa aming bahay siya ang una kong tinawagan matapos kong
makita ang laman ng files sa cellphone ng aking asawa.
“You know that I won’t ask for anything besides
this one, right?” aniya. “Hindi ko na kailangan pang tanungin kung bakit bigla
mo akong tinawagan at naisipan na iwan ngayon ang asawa mo. I know that you
have your own reason. But at least tell me that this is what you really want.”
Kaibigan ko man siya pero hindi ako handa na
sabihin sa kanya kung ano ba ang nagawa ni Enver sa akin. Hindi pa ako handa na
ipaalam sa ibang tao ang kasalanang ginawa ng aking asawa sa akin dahil alam
kong sa akin sila papanig at hindi iyon ang gusto ko.
Tama na sa akin na ako na lang ang magalit sa
kanya. Tama na sa akin na ako lang ang mamuhi sa kanya. Hindi ko na kailangan
pang idamay ang mga kaibigan ko para magalit sa kanya dahil hindi ko din naman
kaya na kinamumuhian siya ng mga taong mahalaga sa buhay ko.
Kaya nang tawagan ko si Ferry kanina ay wala
akong ibang sinabi sa kanya kundi ang pumunta dito sa bahay namin na agad naman
niyang ginawa.
Bahagya pa nga siyang nagulat nang lumabas ako
sa ng bahay na may dala-dalang maleta ngunit hindi na siya nagtanong pa lalo
na’t alam kong napansin niya din agad ang namumugto kong mga mata.
“I…” Hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin
sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na ayaw ko naman talagang gawin ito.
Pero matapos ang mga nakita ko ay hindi ko na
kakayanin pang manatili sa iisang bubong kasama ang lalaking inakala kong hindi
ako kailanman sasaktan.
Bumuntong hininga siya. “Fine, you don’t have to
answer that.” Binuhay na niya ang makina ng kanyang sasakyan at agad na itong
pinaharurot palayo sa aming tahanan.
At ang tangi ko na lamang nagawa at tanawin ito
hanggang sa tuluyan itong mawala sa aking paningin.
Alam kong pagsisisihan ko ang desisyon kong ito
dahil hindi man lang ako nagpaalam sa kanya pero alam kong higit lang akong
masasaktan kung mananatili ako sa tabi niya sa kabila ng mga bagay na nagawa
niya.
Comments
Post a Comment