Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov
As we get out of Royal
University, isang malaking problema naman ang agad naming hinarap dahil bago pa
man kami makababa sa paanan ng bundok na siyang kinalalagyan ng eskwelahan ay
sinalubong na kami ng main force ng Aletta Army.
At dahil hindi pa naghihilom ang mga sugat namin ay
pinaubaya ko na sa mga kapatid ko ang pagliligpit sa mga iyon. Ayaw ko namang
mapagalitan pa ako ni Rayzsel kapag muling bumuka ang sugat ko na katatahi lang
niya.
Pagkatapos noon ay nakakuha kami ng impormasyon sa
isa sa mga mersenaryo na nagtatrabaho sa mga Aletta na hindi pa tuluyang
inilalabas ng mga ito ang kanilang pwersa.
Sila pa lamang ang unang hukbo na ipinadala ng mga
ito upang siguruhin lamang na mababawasan ang bilang ng mga estudyanteng
lalabas ng Royal University.
Para pa nga itong nasisiraan ng bait dahil tumatawa
ito habang paulit-ulit na sinasabing hindi namin kakayanin ang hukbong inipon
ng mga Alleta at maghanda na raw kami sa kamatayan na aming kakahrapin.
At dahil wala ako sa mood makinig sa mga walang
kwenta niyang sinasabi ay ako na ang tumapos ng buhay niya.
Nagsimula na ang giyera sa pagitan ng Avenir at ng
mga bansang nagpipilit pumasok sa loob ng teritoryo namin kaya hindi ko na
kailangan pang isipin kung royal blood ba o hindi ang isang taong kikitilan ko
ng buhay.
“So?” Bumaling ako sa lahat. “Ano na ang plano
natin?”
“Umuwi muna tayo sa Hellion Residence,” sambit ni
Zhairy. “Nandoon ang lahat ng gamit na kakailanganin natin at sigurado pang
hindi tayo basta masusugod ng kalaban kaya makakapag pahinga tayo ng maayos.”
Itinuro ko ang mga royal blood na kasama namin.
“Paano naman ang mga iyan? Pababayaan na natin?”
“Their country is now engaging war against our
country,” singit ni Kuya Zhaiken. “Kaya wala na tayong responsibilidad sa
kanila.”
“Pero hindi ba’t hindi pa din sila basta makakaalis
ng mainland?” tanong ni Crescent. “Traps were placed all over our country’s
border. At alam nating lahat na nilagay ang mga iyon para pigilan na makaalis
ang sinumang nasa loob pa ng bansa.”
“Like what I said, that is not our problem
anymore,” giit ni Kuya. “Mayroon tayong mas malaking bagay na dapat pagtuunan
ng pansin kaysa sa mga brats na walang ibang ginawa kundi ang pahirapan tayo.”
“Ahm…” Lumapit sa akin ang ilan sa mga tauhan ng
Jagare na pinili kong buhayin. “What about us? I thought…”
“You are working under me so you don’t have to
worry,” paniniguro ko sa kanila. “I will provide you with everything you need
as long as you do your part, okay?”
Nagtatrabaho lang naman ang mga taong ito sa Jagare
dahil pinangakuan sila ni Achim at Yoo na babayaran ng malaking halaga oras na
matapos ang mga plano nila.
Ngunit hindi naman nila inaasahan na mala-halimaw
pala ang mga taong kinalaban ng dalawang iyon kaya nang magising sila ay agad
silang nagmakaawa para sa buhay nila at nangako na gagawin ang lahat para
pagbayaran ang tangka nilang pagkalaban sa amin.
At dahil hindi maganda ang sitwasyon ng bansa,
naisip ko na kailangan namin ang lahat ng tulong na malilikom namin dahil hindi
nga naman biro ang problemang kinakaharap namin.
The Aletta army is one thing. Pero paano pa ang mga
grupo na mula sa iba’t-ibang bansa na siyang makakapuslit papasok dito?
So, I offered them food and shelter, plus money
that Achim and Yoo owed to them in exchange for their loyalty
Gumawa pa si Capricorn, isang licensed lawyer, ng
kontrata upang maging legal ang kasunduan namin nang sa gayon ay traydurin man
nila ako ay hindi ako mananagot sa anumang mangyari sa kanila.
Proteksyon din na gawing legal ang bawat kasunduan
na papasukin namin, isang bagay na laging pinapaalala sa akin ni Mommy noong
nagte-training pa lang ako.
“Ken…” Bumaling kami kay Kheeryn, ang crown
princess ng Avenir, nang lumapit siya sa amin. “Please don’t abandon these
people.” Tukoy niya sa mga royal bloods na kasama namin. “It was not their
choice to put our parents in that kind of situation.”
Kheeryn is also our second cousin but we are not
that close to her. Lagi kasi siyang nakakulong sa palasyo habang bihira naman
ang pagbisita namin doon kaya bihira lang din namin siyang nakakasama.
“But it was their choice to become our burden,”
giit ni Kuya Zhaiken. “I only promised Mom to take them out of the school’s
premises alive and I already fulfilled that promise. Ngayon ay hindi ko na
problema kung ano ang gagawin nila para maka-sur—”
“I have a proposition to make!” Sumingit ako sa
harap ni Kuya Zhaiken at Kheeryn. “I will give them the same offer that I gave
to these people.” Itinuro ko ang mga mersenaryong magta-trabaho sa akin. “Food
and shelter. Protection and a place to survive until everything was over.”
“In exchange for our loyalty?” singit ni Farah na
agad kong inilingan.
“I don’t really need your loyalty,” sabi ko. “Hindi
kasi kayo direktang magtatrabaho sa akin. But you have to earn what you keep.
If you are going to come with us to Hellion Residence, you have to work to
operate all the facilities we have there.”
“Hey!” alma ni Zhairy. “Sigurado ka ba sa desisyon
mong iyan?”
Bumaling ako sa kanya at nakangiting tumango. “Like
what you said earlier, Hellion Residence is the safest place for all of us. And
these people,” Itinuro ko ang mga ka-schoolmates namin. “Yes, kaya nilang
lumaban kung sakali man na makaharap nila ang tauhan ng mga Aletta ngunit hindi
sapat ang nalalaman nila para talunin ang mga iyon. They need a safe place and
we have that kind of place.”
“And you are inviting them over,” sabi ni Crescent.
“Just to remind you that most of them actually tried to kill Chess.”
“But they didn’t do it,” balik ko sa kanya. “Why?”
Itinuro ko si Jin. “Because they still respect Jin and they are willing to
restrict their bloodlust if Jin asks for it.” Ibinalik ko ang tingin sa mga
schoolmates namin. “Right?”
Hindi sila sumagot ngunit isa-isa silang nag-iwas
ng tingin sa akin na para bang nakakabawas ng pagiging cool ang pag-amin sa
isang bagay na ipinangalandakan ng iba para sa kanila.
“Surviving doesn’t really need respect,” dagdag ko.
“As long as you did your job, you will have a place inside Hellion Residence.”
Aba, lubusin na nila ang pagiging mabait ko. Dahil
kapag tinanggihan pa nila ito ay talagang mawawalan na ako ng pakialam sa kung
anuman ang mangyari sa kanila sa daan.
Maliwanag ang babala sa amin ng mga mersenaryo ng
Aletta na nakaharap namin. They have orders to kill everyone in sight,
especially when they are seen around Trost City.
“That is the only offer I can give to you,” sabi ko. “You either take it or leave it. Wala lang tayong sisihan sa kung ano ang mangyayari sa inyo sa desisyon na gagawin nyo.”
Comments
Post a Comment