Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov
It has been weeks since we
finally got home at Hellion Residence, or should I call it Chess Estate. Mas
applicable kasi iyon dahil sa pangalan ng grupo namin.
At naging maayos naman ang naging buhay namin.
Walang gulo, walang panganib. Siguro ay tama rin talaga ang naging desisyon
namin na dito muna tumuloy habang nag-iisip pa kami ng paraan upang ma-contact
ang mga magulang namin at maipaalam na buhay pa ang lahat ng estudyante ng
Royal University.
Though, hindi naman ibig sabihin noon ay wala na
talagang problema na darating sa amin dahil kahapon lamang ay isang balita ang
nalaman namin na siyang nagaganap sa syudad.
Hindi kasi lahat ng schoolmates namin ay sumama
dito sa Chess Estate.
Mayroong iba na mas pinili na makipagsapalaran para
sa sarili nilang survival. Habang ang iba ay pinili ding lumayo dahil sa
kagustuhan nilang kalabanin ang mga tauhan na nagtatrabaho sa mga Aletta.
At isa sa mga iyon ang natagpuang sugatan sa labas
ng ate ng estate. Sinabi nito na mayroong grupo na walang kinalaman sa Aletta
ang bigla na lamang sumugod sa kanila.
They were taken by surprise kaya hindi na sila
nakapanglaban pa at nang tuluyan silang mahuli ng mga ito ay pinahirapan
sila habang tinatanong ng mga impormasyon na kanilang nalalaman.
Akala nila ay mamamatay sila pagkatapos nilang
sabihin ang lahat ngunit patuloy pa din silang pinahirapan ng mga ito.
Sa kabutihang palad, nagawa ng lalaking ito na
maluwagan ang kanyang pagkakatali at makatakbo palayo sa kanila.
Pinaulanan pa siya ng bala, kitang-kita naman sa
limang bala na tumama sa kanyang likuran, upang masiguro na hindi ito
makakalayo ng buhay sa kanila. Ngunit mukhang nasa panig nito ang swerte dahil
buhay pa ding siyang nakarating sa amin kung kailan halos malapit na siyang
mamatay sa pagkaubos ng dugo at impeksyon sa kanyang mga sugat.
At matapos ang pagkukwento niyang iyon ay agad na
lumabas si Zhairy, kasama sina Lucifen, Crescent at ang royal guards upang
alamin kung totoo ang sinasabi ng lalaki.
“Did you confirm what he just said?” bungad ko kay
Zhairy nang makauwi sila kinakabihan. “Is there really another dangerous group
aside from the Aletta army?”
Bumuntong hininga siya. “To be honest, there are no
signs of people in the town when we hit it,” aniya. “But there are signs that a
fight happened there. Mayroon ding naiwan na mga basyo ng bala na tugma sa
balang nakuha sa katawan ng lalaking iyon.”
“Then, he is telling us the truth,” sabi ni Cloud.
“That is the idea,” ani Crescent. “Pero wala kaming
nakuha na kahit anong clue kung sino ang nasa likod ng grupong sinasabi niya at
kung ano ang ginagawa nila sa mga nakikita nilang tao sa lansangan.”
“Let me—”
“This is not the time,” singit ni Kuya Zhaiken bago
ako makapagsalita. “Three weeks is not enough for our wounds to heal. We need
to fully recover before facing this new enemy of ours.”
“Pero nasa panganib ang iba pang estudyante ng RU
na hindi sumama sa atin,” singit ni Marien. “Are we going to abandon them?”
Napakamot ako ng ulo nang hindi sumagot si Kuya
Zhaiken.
Well, alam ko naman na iniisip lang niya ang
kaligtasan ng buong Chess. ng mga underlings namin at ng mga taong pinili na
magtrabaho sa amin kaya hindi niya gusto na magpaligoy-ligoy kami sa pagkilos.
Ngunit sa ginagawa niya kasing iyon ay nagmumukhang
wala siyang awa para sa ibang tao.
“Marien, we gave them a choice before, right?” sabi
ko. “Aware sila sa panganib na posible nilang harapin nang piliin nilang
humiwalay sa atin. At hindi natin responsibilidad na pasanin pa sila.”
“But…”
“We can’t save everyone,” dagdag ko. “We can only
choose those people who want to be saved. At nandito sa lugar na iyon ang mga
umaasa sa atin. Kuya just wanted to make sure that we fulfil those
arrangements.”
“Rell was right,” singit ni Jin. “We need solid
information to come up with a plan so that we can take out this new group while
protecting everyone here.”
Bumaling si Zhairy sa magkapatid na Fujiwara.
“Kamusta ang sugat ng mga kasama natin?”
“Well, karamihan naman sa kanila ay maayos na ang
kalagayan,” sabi ni Klari. “Magaling na ang mga sugat nila at bumalik na ang
kanilang mga lakas. But wound like Rell has were still a bit fresh kaya kahit
gusto niya ay hindi pa din siya maaaring sumabak sa laban.”
“Hey!” alma ko. “Bakit special mention ako?”
“Dahil ikaw lang ang may tinamong malalim na
sugat,” singhal sa akin ni Milly. “At ikaw lang din ang hindi pa tuluyang
nakaka-recover.”
“But I already regain my energy,” sabi ko. “Kaya ko
nang lumaban.”
“At muling pabukahin ang tinahing sugat ni Rayzsel,”
sabay nilang sabi.
Agad akong nilapitan ni Cloud at bahagyang itinaas
ang damit ko upang i-expose ang sugat sa tagiliran ko na hanggang ngayon ay
naka-bondage pa din. “Sorry, Rell, but they are right. Siguradong bubuka lang
ang sugat mo kapag nakipaglaban ka.”
Pinitik ko ang kamay niya kaya agad niyang
nabitiwan ang damit ko. “At talagang pinagtutulungan nyo pa ako.”
“We are just concern,” sabi ni Milly. “Hindi
ordinaryong sugat ang natamo ng katawan mo sa labang hinarap natin sa RU.”
“Aletta is aware of our existence there and they
know how to at least slow us down,” dagdag ni Klari. “Especially you.”
As far as I know, the Aletta Army is using bullets
filled with poison that will weaken our bodies to ensure their chance of
defeating us.
At ang lason na iyon ang dahilan kung bakit mabagal
ang paghilom ng sugat ko. Aba, ako lang naman kasi ang tinamaan ng mga balang
iyon kaya ako na lang din ang mayroon pang sugat.
The good news is, that poison is not lethal at kaya
na itong kontrahin ng immune system ko. Hindi na namin kailangan pang maghanap
ng antidote para lang mailigtas ang buhay ko.
Kapalit nga lang nito ay ang pagbabawal nila sa
akin na kumilos ng sobra nang sa gayon ay magtuloy-tuloy ang paggaling ko.
This is very bad news for me, especially now that
we have some work that needs to be done.
“I can go out to gather some information.”
Napalingon kami kay North na siyang nagprisenta. “I mean, we only need
information, right? Hindi naman kailangan na harapin ang panibagong kalaban?”
“Yeah,” sagot ni Zhairy. “Just some information
that could help us to identify this new group.”
“Then, it is a perfect job for me,” aniya. “It is
the least that I can do in this kind of situation.”
“Pwede ko siyang samahan,” presinta naman ni Light
na ikinakunot ng noo ko. At kailan pa nagkasundo ang dalawang ito?
Eh ang alam ko ay hindi nila kayang magsama sa
iisang silid ng silang dalawa lang dahil nga sa tindi ng tensyon nila sa
isa’t-isa. Pareho kasing ayaw mag-back out sa panliligaw sa akin kahit wala pa
naman akong pinapayagan sa kanila.
“I am not underestimating a royal guard but it is
better to have some backup that belongs to the Chess, right?” dagdag pa ni
Light.
Nagkatinginan pa ang dalawa. At sa tingin nilang
iyon ay para bang nagpapaligsahan pa sila kung sino ang unang magbabawi ng
tingin.
“Oy!” Tinabihan ako ni Samara. “Hindi mo man lang
ba aawatin ang dalawang iyan?”
Bumaling ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
“At bakit?”
“Obvious na ikaw ang dahilan kung bakit may tensyon
sa kanilang dalawa,” singit ni Zarah na tumabi sa kabilang gilid ko. “Wala ka
pa bang sinasagot sa kanila?”
Napabuntong hininga ako. “Girls, sinabi ko na sa
inyo na hindi ko priority ang love life ngayon. Nasa delikadong sitwasyon pa
tayo kaya huwag nyong masyadong pinag-iintindi ang katarantaduhan ng dalawang
iyan.” Hinayaan ko na sila at pinili ko na lang na lumabas ng bahay.
Hindi nila ako hahayaan na maging parte ng gagawin
nilang pagkalap ng impormasyon kaya wala nang dahilan para manatili ako doon.
Sasakit lang ang ulo ko dahil sigurado ding hindi titigil sina North at Light sa pasimple nilang pagtatalo.
Comments
Post a Comment