Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov
Dahil wala naman akong say sa
kung ano ang gagawin nila, nagdesisyon na lang akong puntahan si Rayzsel, na
bagama’t miyembro ng Chess ay wala sa meeting namin kanina.
At nakita ko nga siyang abala sa mga halaman sa
loob ng greenhouse.
Actually, wala ang greenhouse na ito three weeks
ago. Personal lang itong ginawa ni Kuya Zhaiken, sa tulong nila Warren, Trick
at Recca, pagdating namin dito nang sa gayon ay mapaglipatan ang mga halaman at
bulaklak na kinuha nila sa flower garden ni Jin.
At ito na din ang nagsisilbing research laboratory
ni Rayzsel dahil siya lang naman ang may tiyaga na mag-research tungkol sa mga
ito.
“And what the hell are you doing here?” bungad ko
sa kanya pagpassok pa lang ng pinto ng greenhouse.
Abala siya sa paglilipat ng isang dilaw na halaman
sa paso nito.
“You are part of Chess, yet you are not in the
meeting room.”
“Walang kinalaman sa kung ano ang kaya kong gawin
ang pinag-uusapan niyo doon kaya hindi na ako nag-abala pang pumunta doon,”
sabi niya pagkuwa’y ipinagpag ang kanyang kamay tsaka bumaling sa akin. “At
ikaw? Bakit ka nandito? Hindi ba’t kasama ka sa meeting na iyon?”
Napaismid ako at naupo sa sofa na ipinalagay ni
Kuya Zhaiken dito. “Walang kinalaman sa kaya kong gawin ang pinag-uusapan nila
doon,” ulit ko sa sinabi niya.
Bahagya siyang natawa sa tinuran ko kaya agad
siyang lumapit sa akin. “Really, Kheina,” aniya. “Bakit ka nga nandito?”
Bumuntong hininga ako.
Well, naging close na din talaga kami ng babaeng
ito dahil siya ang madalas magpalit ng bondage ng sugat ko. Siya din itong
sinabihan ko na maghanap ng antidote sa lason na nasa katawan ko nang sa gayon
ay tuluyan nang gumaling ang sugat ko.
Against kasi sina Milly at Klari sa paggamit ng
antidote gayong wala kaming alam sa kung ano ba ang lason na pumasok sa katawan
ko.
“May kumikilos na bagong grupo sa labas ng estate,”
panimula ko. “I think this specific group is targeting RU students and they
wanted to get useful information about the school.”
“And let me guess,” aniya. “When you volunteer to
gather information about the group, they immediately talk you out of it since
you are still not fully recovered.”
See? Alam niya agad kung ano ang dahilan kung bakit
nandito ako sa kanya kahit hindi pa natatapos ang meeting ng grupo.
“Well, considering your situation, I can understand
why they don’t want you to leave the estate and gather the information they
need,” she said. “Kahit kasi sabihin na bumalik na ang lakas mo ay sigurado
namang magdudugong muli iyang sugat mo kapag napasabak ka agad sa laban.”
“Pwede ko namang iwasan na makipaglaban.”
Taas-kilay niya akong itinuro. “Ikaw?” aniya.
“Isang Zhairell Khiena, iiwas na makipaglaban?”
Napasimangot ako. Ang sarcastic na kasi ng boses
niya at para bang pinapalabas niya na hindi ko kayang umiwas sa isang laban.
“I am stating the fact here, Kheina,” aniya. “Kahit
sabihin mong iiwas ka, kapag mismong laban ang humabol sayo ay nakakasigurado
kami na imbes tumakbo palayo ay tatakbo ka pa palapit sa gulo.”
Napaismid ako.
Sana pala ay hindi na ako nagpunta dito gayong
inaalaska din niya ang sitwasyon ko dahil sa kagustuhan kong lumabas.
Akala ko ay matutulungan niya ako para mangyari ang
gusto ko.
Tumayo siya at muling bumalik sa halaman na
inaasikaso niya kanina. “Kung ako sayo, sundin mo na lang muna ang mga kapatid
at pinsan mo. Ipaubaya mo na lang sa kanila ang trabaho at magpagaling ka
muna.”
“Tatlong linggo na akong nagpapagaling pero wala
namang nangyayari,” reklamo ko. “Ni hindi pinapahawak sa akin ni Zhairy ang
kahit anong weapon ko. Binabawalan din ako ni Kuya Zhaiken na kumilos masyado.”
Kulang na lang ay pigilan din nila akong lumabas ng
bahay at pilitin na manatili na lang na nakahiga sa kama ko.
Aba! May sugat lang ako sa tagiliran na matagal
bago gumaling pero hindi naman ako imbalido para pigilan nilang kumilos.
“Para naman mawala iyang pagsimangot mo ay may
maganda akong balita sayo,” aniya.
“Mababawasan ba ng magandang balita na iyan ang
sugat ko?”
“Kailan ba ako nagbigay sayo ng magandang balita na
walang kinalaman sa sitwasyon mo?” balik niya sa akin.
At dahil doon ay muli kong itinuon ang buong
atensyon sa kanya. Agad pa akong tumayo para lumapit sa kanya dahil may hawak siyang
folder na tingin ko ay pinagsusulatan ng magandang balita na sinasabi niya.
“Ano ba iyon?”
“Well, see for yourself.” Inabot niya sa akin ang
folder at agad kong binasa ang nilalaman noon.
At nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita ito.
“What the fuck, Rayzsel!” Muli akong tumingin sa kanya. “Na-identify mo na ang
lason na nasa katawan ko?”
Nakangiti siyang tumangu-tango. “It was a
self-engineered poison made by someone. Kaya hindi naging madali ang paghahanap
ko ng mga nilalaman ng lason na iyon.”
“But you still did it.”
Noon pa man ay amaze na ako sa mga ginagawa ni
Rayzsel para sa amin. At ngayon ay lalo lang tumaas ang tingin ko sa kanya
dahil hindi nga talaga madaling ma-identify ang isang lason na ginawa ng isang
chemist lalo na’t kung hindi naman kilala ang engineer nito.
“That was actually the first step.” Kinuha niya sa
akin ang folder at inilipat ang isang page noon pagkuwa’y iniharap sa akin. “I
am now developing the antidote for that poison.”
“Oh my god!” Hindi ko na napigilan pang yakapin si
Rayzsel. “Ang swerte ko talaga sayo!”
Aba, ibig sabihin nito ay tuluyan nang mawawala ang
lason sa katawan ko at gagaling na din ng tuluyan ang mga sugat ko. At kapag
nangyari iyon ay makakalabas ako dito nang hindi pinag-aalala ang kasama namin.
“Hey!” alma niya habang nakayakap ako sa kanya. “It
will still take some time kaya huwag ka munang magdiwang diyan. Nasa starting
phase pa lang ako.”
Kumalas ako ng yakap sa kanya. “Identifying the
poison is the hardest part of this project. I am sure that it will be easy for
you to produce an antidote in just a matter of days.”
“Masyado mo akong pine-pressure niyan, Kheina.”
“Hindi naman,” sabi ko. “I just know that you can
do it.”
Tingin ko ay hindi nga nagkamali si Zhairy nang
magdesisyon itong gawing parte ng Chess itong si Rayzsel. She has the talent to
become one of us and she didn’t fail to show us what she can do to help the
group.
Sana lang ay makita din ng iba pa naming kasama na kailangan talaga namin ang tulad niya sa grupo.
Comments
Post a Comment