Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov
Ravena…
That was the name of the group that hunts and
tortures RU students. And I know that group because I once crossed paths with
them.
“So, you really know them,” ani Zhairy.
“I met them when I was in high school,” sabi ko.
“At the Underground.”
“Are they your friends or enemy?” tanong ni Kuya
Zhaiken.
“I wouldn’t call them my friends because we only
had a joint fight in an event inside the Underground once,” I explained. “But
they are also not my enemy. Well, not when I still had contact with them.”
“Kung kilala mo sila, tingin mo ba ay may
posibilidad na nagtatrabaho sila sa mga Aletta o kahit sinong mas
maimpluwensyang tao na gustong makakuha ng impormasyon tungkol sa RU?” tanong
naman ni Zhairy na agad kong inilingan.
“They are not like us,” I said. “They are just
normal citizens of this country with a minimum pay grade and fighting in the
Underground is just one of their side lines. But they will never work under
another group just to harm innocent people for information.”
Iyon ang isang bagay na nasisiguro ko. Kahit
sabihin na hindi ganoon katagal ang pinagsamahan namin ay alam kong nakilala ko
sila ng lubusan sa ilang linggo na iyon.
Yes, they love fighting but they do it the right
way. They will never harm innocent people.
“Bakit parang ibang tao ang dine-describe mo
kumpara sa mga taong nakita at nakaharap namin,” takang sabi ni Lucifen. “Are
you sure you knew them that well?”
Masamang tingin ang binigay ko sa kanya dahil sa
sinabi niyang iyon. “Are you doubting my skills to observing people?”
Agad niyang itinaas ang kanyang mga kamay sa ere at
umiling-iling. “No. That is not what I meant.”
“Don’t be like that, Rell,” ani Zhairy. “He was
just telling you the truth. Ibang-iba ang sinasabi mo sa mga taong nakaharap
namin.”
Ibinalik ko ang tingin kay Zhairy. “So, you made
contact with them?”
Tumango siya. “We are just patrolling the hi-way
when they suddenly ambushed us,” kwento niya. “Tingin ko ay isa sa mga
na-torture nila na RU student ay sinabi kung nasaan tayo.”
“And?”
“They will come at us for blood,” sabi ni Kuya
Zhaiken. “They wanted to torture every RU student, spill their blood, and get
every information we had about the school and the mountain where it was
standing.”
“Did they tell you their reason?”
Pare-pareho silang nagkibit balikat kaya napatapal
na lang ako ng noo.
Ibig sabihin lang ng naging reaksyon nila ay hindi
na nila hinintay pa na magsalita ang mga sumugod sa kanila at agad na lamang
nilang pinatay ang mga ito.
But I am sure that those people are just a small
fraction of their squad.
Kung target nila ang mga RU student, siguradong
marami-rami pa silang susugod sa amin dito.
“Anyway, since you know this group,” ani Zhairy. “I
intend to leave you the investigation about this.”
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. “Really?”
Tumango siya. “We have another huge problem that
needs to be taken care of kaya sayo na namin ipapaubaya ang tungkol sa grupong
iyon.”
“Kailangan na din kasi nating asikasuhin ang mga
Aletta lalo na’t ilan sa kanilang squad ay namataan nang papunta sa RU.” dagdag
ni Lucifen.
“Well, if that is the case, I will immediately
called my team.” Hindi ko na sila hinintay pang makapagsalita at agad nang
lumabas ng study room.
They already told me everything I need to know. Ang
iba pa ay kaya ko nang kunin kapag nagsimula na ang pag-iimbestiga ko.
Nang makarating ako sa playground kung saan nagtitipon
ang mga underlings ko ay isang ngiti ang ibinungad nila sa akin.
“Magtatrabaho na ba tayo sa labas,” nakangising
sambit ni Capricorn. “Kailangan ko na bang ihanda ang mga gamit natin?”
Tumango ako. “Pack everything we needed. May
ha-hunting-in tayo.”
“And who that might be?” tanong ni Mairon.
Well, it is good that he is getting along with my
underlings and others gave their respect to him as my second-in-command, not
just because he is my ex-boyfriend-slash-friend, but also because they saw his
potential.
“Mukhang malaking trabaho ito ah.”
“It has something to do with a lot of people in my
past. I will brief you with information tomorrow” Bumaling ako kay Cancer.
“Bring Attila and Vela with you. Find Ravena and bring him to me as soon as
possible.”
Kumunot ang noo nila. “Ravena?”
“Your—”
Masamang tingin ang ibinigay ko kay Crux bago pa
niya tuluyang matapos ang akma niyang sasabihin. “Don’t even dare to say that
in front of me!”
Imbes na matakot ay natawa na lang sila sa naging
reaksyon ko. Pero nakakunot pa din ang noo ni Mairon.
Well, wala naman kasi siyang alam tungkol sa bagay
na iyon.
“Care to share?” aniya.
Inakbayan siya ni Lynx. “To tell you the truth,
hindi ikaw ang first love ni Boss,” sambit nito. “Iyong Ravena na gusto niyang
ipahanap, iyon ang first love niya pero iyon din ang first heartbreak niya.”
Bumaling sa akin si Mairon pero hindi na ako
nag-abala pang sumagot.
Wala naman kasing dahilan para i-deny ko ang sinabi
ni Lynx gayong totoo ang lahat ng iyon.
I think I was just fifteen that time when I sneaked inside the Underground.
Nakilala ko si Ravena at ang grupo niya. Even
though they are way older than me, hindi naging hadlang iyon para maging close
ako sa kanila at nagdesisyon na pansamantala ay sumali ako sa grupo nila.
And there is something in him that made me fall but
before I could even confess my feelings to him, sinabi niyang magpapakasal na
sila ng girlfriend niya.
And that is when I decided to stop fighting and
focus on my training.
Iyon na din ang huling balita ko sa kanila kaya
nagulat ako sa sinabi nila Lucifen na ito ang nasa likod ng pangha-hunting at
pangto-torture sa mga RU students na hindi sumama sa amin dito sa estate.
“Hindi naman natin masisisi si Boss kung na-inlove
siya sa lokong iyon,” singit ni Cassiopeia. “He is really the ideal man that we
all want but sad to say, taken na pala.”
“Anyway, bakit kailangan mong hunting-in ang Ravena
na iyon?” tanong ni Mairon. “Anong kinalaman niya sa trabaho natin?”
“Apparently, some of their members are doing nasty
things to RU students and ambushed my brothers when they were patrolling the
highway.”
Nanlaki ang mga mata nila. “Seriously? Si Ravena?”
Hindi na nakakapagtaka ang reaksyon nila. Maging
sila naman kasi ay kilala din ang lalaking iyon at ang grupong kanyang binuo
kaya nakakapagtaka na bigla na lamang itong magiging ganito kaagresibo
pagdating sa mga RU students.
“Anong kinalaman nila sa nangyayari?”
Nagkibit balikat ako. “Iyan ang gusto kong alamin.
Kaya unahan niyo na si Ravena at dalhin sa Underground. You only have three
days.”
“Okay.” Agad na tumayo sina Cancer, Attila at Vela
pagkuwa’y tumakbo papunta sa bahay para kumuha ng mga gamit na kakailanganin
nila sa paghahanap kay Ravena.
“What about us?” tanong ni Lynx. “Ano na ang
gagawin namin?”
“They will be going here,” sabi ko. “They know that
we are all here kaya unahan niyo na sila bago pa sila makatapak sa lupain ng
Chess.”
“Do we have a clearance to kill them or do we need to
hold back?” tanong naman ni Gemini. “We kinda need that clarification.”
“Gathering information is our priority so don’t
kill them yet,” sabi ko. “Pero kung wala naman kayong makukuhang impormasyon,
you can dispatch them without worrying about anything.”
Doon unti-unting sumilay sa kanilang labi ang isang mala-demonyong ngiti. Well, if Ravena will come here for blood, my team is also itching to spill some blood since they have been holding back themselves ever since the fight we had with Jagare.
Comments
Post a Comment