Zhairell Kheina X. Mirchovich’s Pov
At
dahil nga alam kong hindi basta magpapahinga si Rayzsel ay napilitan akong
i-lock ang greenhouse nang sa gayon ay hindi siya makapagtrabaho. Sinabihan ko
din ang lahat na huwag siyang bibigyan ng kahit anong trabaho kaya wala din
siyang nagawa kundi ang magkulong na lamang sa kwarto niya.
At nang silipin ko siya ay mahimbing na ang kanyang
tulog.
Na talaga naman ipinagpapasalamat ko dahil kung
sakaling naabutan pa siya ni Kuya na abala sa greenhouse ay siguradong pareho
kaming malilintikan ng wala sa oras.
“Buti at napapayag mo siyang magpahinga,” manghang
sabi ni Crolhaine nang malamang mahimbing ang tulog ni Rayzsel ngayon. “Kahapon
pa siya abala sa greenhouse at halos hindi makausap ni Ken.”
“Actually, hindi naging madali iyan, noh!” sabi ko.
“Kinailangan ko pang kausapin ang lahat ng naiwan dito para lang hindi siya
bigyan ng trabaho. At sinabihan ko din sila na piliting huwag siyang kausapin
kahit anong pangungulit niya.”
Aba! Halos kalahating araw pa ang inabot bago niya
naisipang pumasok at magkulong sa kwarto niya.
“At hindi ka na-temp sa discovery niya?”
“Syempre, naakit ako nang malamang nakagawa na siya
ng antidote,” pag-amin ko. “Pero nakita ko kung gaano kagulo ang buhok niya,
ang eyebags sa ilalim ng mga mata niya. I am not in a life or death situation
kaya pinasya ko na lang na maghintay dahil higit pa ding mahalaga na
makapagpahinga siya.”
Tumangu-tango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko
pagkuwa’y bumaling kay Rayzsel. “But still, I don’t understand why she was
pushing herself too much.”
“Maybe she realize that there are still people in
Chess who doesn’t think that she deserved the trust that Zhairy put on her,”
sabi ko. “Tingin niya ay hindi pa din sapat ang mga nagawa niya para ipakita na
mayroon din siyang maiaambag sa grupo. Tingin niya ay kailangan pa din niyang
patunayan ang sarili niya and of course, tingin ko ay iniisip din niya na utang
niya ang sariling buhay sa atin kaya ginagawa niya ang lahat para
lang mabayaran ang utang na loob niya.”
Ibinalik niya ang tingin sa akin. “At mayroon ba sa
inyo ang nagsabi sa kanya na hindi niya kailangan gawin iyon?”
Tumango ako. “Lagi ko siyang sinasabihan na sapat
na ang mga nagawa niya noong nasa RU tayo para patunayan sa lahat ang kakayahan
niiya. At sinabi ko din sa kanya na hindi tayo ang kailangan niyang pasalamatan
para sa buhay niya kundi ang kapatid niya.”
“At hindi siya nakinig?”
Nagkibit balikat ako. “Nakikita mo naman sa
ginagawa niya, hindi ba?”
Iyan ang isang bagay na hindi ko maintindihan kay
Rayzsel.
Para bang itinatak sa kanyang isip na ang utang na
loob ay kailangan niyang bayaran habang buhay at hindi siya maaaring magpahinga
hangga’t may mga bagay na kailangan niyang gawin para sa mga taong
pinagkakautangan niya.
At minsan na akong nang-intriga tungkol sa nakaraan
niya. Baka sakaling naroon ang sagot kung bakit ganito na lang siya kumilos.
Pero tikom ang bibig niya na magkwento. Sinasabi
lang niya lagi sa akin na boring ang buhay niya at hindi worth it pakinggan.
“Rell…” Bumaling ako kay Kuya Zhaiken na nasa labas
ng kwarto ni Rayzsel. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya na agad ko namang
ginawa. “Kanina pa ba tulog iyan?”
Tumango ako. “Kumain naman siya bago matulog kaya
tingin ko ay mas makakabuti kung hindi na natin siya iistorbohin.”
Binabantayan lang namin siya nang sa gayon ay hindi
siya magpilit na lumabas ng kwarto kapag nagising.
“Please put someone beside her when she resumes her
work,” aniya.
“To help her?”
Umiling siya. “Just to remind her that she needs to
take a break from time to time.”
Kumunot ang noo ko. “Bakit hindi na lang ikaw ang
gumawa noon?”
Aba, itong si Kuya Zhaiken lang naman ang sinusunod
niya kaya kapag wala ito ay sinusulit niya ang pagtatrabaho sa greenhouse.
“I have some other things to do,” sagot niya sa
akin. “Kaya baka ilang araw din akong hindi makauwi dito. And I am sure that
once the antidote was done, you will also leave and start your own
investigation, right?”
Tumango ako. “And we both can’t take her with us.”
Rayzsel can fight. Hindi siya magiging burden kung
sakali man na isama namin siya sa paglabas dito sa estate. Pero wala pa kaming
impormasyon kung sino ba ang mga kalaban namin, maliban sa Aletta.
Kaya mas mabuti na iyong nag-iingat din kami.
We can’t put her in danger just because we want to
keep an eye on her.
“Jerem will stay here,” sabi ko. “Hindi din siya
isasama ni Zhairy sa pag-iimbestiga kaya pwede ko naman sigurong pakiusapan ang
babaeng iyon na bantayan itong si Rayzsel.”
“But she is already babysitting Cloud.”
“I can do both,” Biglang sumulpot sa gilid namin si
Jeremiah at kasama niya sina Zhairy at Cloud. “I can babysit Rayzsel to make
sure that she will not push herself too hard.”
“But—”
“Crolhaine will stay here,” singit ni Zhairy. “She
will be in charge of everything so Jerem has a lot of free time.”
May mga pagkakataon kasi na kapag umaalis si Zhairy
ay si Jeremiah ang iniiwan niyang in charge sa buong estate.
Iyon ay dahil sa ipinakita nitong kakalmahan noong
nagkakagulo na ang lahat sa RU. At hindi naman iyon naging isyu sa kahit na
sino sa amin dahil nakita din namin kung paano kumilos ang babaeng ito.
She may be a little bit of slow but she is a great
leader. Though, she don’t want to handle such responsibility all the time kaya
sinasabihan niya si Zhairy na sa iba na lang ibilin ang estate kapag umaalis
ito.
“Well, then it is settled,” sabi ko at tumingin kay
Jeremiah. “Ikaw na ang bahala sa pasaway na iyan, huh. Please remind her that
it is okay to rest.”
“Don’t worry, I can manage her.”
Hinayaan na muna namin sila sa kwarto ni Rayzsel at
dumeretso kami nila Kuya Zhaiken at Zhairy sa study room.
Sakto naman na naroon na din si Lucifen na nakahiga
pa sa sofa.
“So?” tanong ko at tinaasan sila ng kilay. “Did you
get any information about this new group?”
Nagkatinginan sila tsaka sabay-sabay na bumaling sa
akin at tumango.
“The name of this group will probably be familiar
to you,” ani Lucifen. “Ravena.”
Nanlaki ang mga mata ko. “W-what?”
Comments
Post a Comment