Royal Blood Fray (Chapter 9.b)

Zhairell Kheina X. Mirchovich’s POV


    I left the house and decided to stay in the park to think about what to do next.


Umasa ako na mapipigilan pa sa madaling paraan ang mga nangyayaring ito kapag nalaman ko kung ano talaga ang habol ng mga kalaban sa pagsisimula ng gulong ito.


Pero imposible na iyong mangyari dahil desidido ang mga iyon na makuha ang mga natural resources ng Regio Clan, maging ang naiwang ginto ng Carmello Clan.


So, I had to make some drastic moves to go forward and help our parents stabilize things here on the mainland.


“Are you okay?”


Napalingon ako sa gilid ko at nakita si North na nakaupo na sa katabing swing kung nasaan ako. “Yeah.”


“Why are you here?”


“I was just thinking.”


“Hmm…” Hindi na siya nagsalita at tahimik na inuugoy ang swing na kinauupuan niya kaya napataas ang kilay ko.


“And why are you here?”


Umiling-iling siya. “Wala naman,” aniya. “Nakita lang kita dito kaya naisip kong lapitan ka.”


“And you are planning to stay?”


“Okay lang naman, hindi ba?” sabi niya. “Don’t worry, hindi ako magsasalita. You can think all you want.”


Well, hindi disturbing ang presence niya kaya okay lang kahit nasa tabi ko siya. Pero iniisip ko na baka maging dahilan na naman ito ng pagtatalo nila ni Light mamaya.


Mula nang malaman nila na pareho silang may gusto sa akin at may planong manligaw ay naging mainit na ang ulo nila sa isa’t-isa at madalas magtalo, lalo na kapag nakakalamang ang isa sa mga pagkakataon para makasama ako.


Kaya nga hangga’t maaari ay hindi ako naglalagi ng matagal sa isang lugar para maiwasan ang anumang gulo. Alam kong hindi big deal ang pagtatalo nila pero ayokong nasasaksihan iyon dahil hindi ako sanay sa ganoong sitwasyon.


Nade-drain lang ang energy ko kaya mas mabuti nang iwasan ang anumang posibleng pagsimulan noon.


“And promise, I will not argue with Light later if he sees us together and thinks that I am taking advantage of this situation.”


I just sighed and nodded. “Keep your promise, okay?” Pinanliitan ko pa siya ng mata na tinawanan lang niya habang tumatango.


Kung sakali mang makita kami ni Light, pwede ko siyang paupuin nalang din sa gilid kung gusto niyang tumulad sa ginagawa ni North ngayon.


Muli akong nahulog sa malalim na pag-iisip. And to be honest, I completely dropped my guard because of North’s presence. And because of it, I didn’t even notice that Zhairy was already in front of me.


Agad akong napatayo at nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. “K-kanina ka pa?”


Ngumiti siya at tumangu-tango. “Is there something wrong with you? Dati naman ay agad mong nararamdaman ang presensiya ko kahit halos nasa dalawampung talampakan ang layo ko sayo pero kanina ay hindi mo—”


“Shut up!” I tried punching him in the stomach but he immediately caught my fist. “I was just thinking about something.”


“That is not a good excuse, Rell.” Napatingin siya kay North na tahimik lang sa gilid namin at pinapanood lang kami. Tumitig lang siya dito at hindi man lang nagsasalita.


Kaya napakunot ang noo ni North at palipat-lipat ang tingin niya sa aming magkapatid na para bang nagtatanong kung bakit ganito ang tingin sa kanya ni Zhairy.


Bumuntong hininga ako at akmang magsasalita ngunit tumangu-tango si Zhairy at muling nakangiting tumingin sa akin.


“I see…”


Kumunot ang noo ko. “Anong ‘I see’ ang pinagsasabi mo diyan?”


Bahagya siyang lumapit sa akin para bumulong. “You finally learned how to drop your guard around the people you trust.”


Hindi ko alam kung bakit ngunit naging mabilis ang kilos ng kamay ko at agad siyang itinulak palayo sa akin. Pagkuwa’y binigyan ko siya ng masamang tingin.


“Oh, you did it unconsciously?” Bahagya siyang natawa tsaka umiling-iling. “Well, it is okay. You might not be aware of it but at least, deep down inside you, you know that you can trust someone other than your family and friends.”


“Just shut up, Ry!” singhal ko sa kanya. “Huwag mong bigyan ng false hope ang lalaking ito!” Itinuro ko pa si North na bahagyang nagulat sa ginawa ko. “Baka akalain niya na sasagutin ko na siya.”


Tinaasan niya ako ng kilay. ‘Hindi ba?”


“Zhairy Jhem Xermin-Mirchovich!”


Muli ay tinawanan niya ako. “Fine.” Bumaling siya kay North. “Don’t mind what I said. My sister is still not ready for any kind of relationship so don’t hope that she will accept your feelings for her right away.”


“Aish!” Inis kong ginulo ang buhok ko. “Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?”


“I was planning to ask you about your plan on infiltrating Alleta’s base,” aniya. “But it can wait. Puntahan mo na lang ako sa greenhouse ni Rayzsel kapag wala ka nang gagawin.” Bago pa ako makapagsalita ay agad na siyang tumakbo palayo.


At hindi nakaligtas sa akin ang mapag-asar na ngiti niya kaya inambahan ko na lang siya ng suntok tsaka inirapan.


Ibinaling ko naman ang masamang tingin ko kay North na agad tumayo.


“Oh.” Bahagya siyang napaatras. “I didn’t do anything.”


I pointed at him. “I am telling you, North. Don’t believe what my brother said, okay?” Huminga ako ng malalim. “Just like before, I am still not ready for any romantic relationship. I don’t want you to have some kind of false hope thinking that it was you who I will be picking,”


“I don’t think anything like that.”


“Good.” Tumangu-tango ako. “I want to make that clear because I don’t want to hurt you. Any of you.”


That is the last thing I want for the people that I care about.


Muli akong naupo sa swing at bumuntong hininga. “But since Ry mentioned it already, I think he is right. I might have dropped my guard because I know you are beside me,” I said. “Your presence made me feel safe.”


Oo nga’t hindi maganda ang naging simula namin pero bumawi siya sa lahat ng pagkakamali na nagawa niya noon.


Malaking tulong ang nagawa niya, hindi lang para sa grupo namin, kundi para na rin sa akin. He helped me a lot back when we were still stuck inside the Royal University.


Everything that I did back then turned out successful because he was around.


That is why I want to keep him around, even as friends. That is why I don’t want to lose him by hurting his feelings.


“Hey…” Lumapit siya sa akin at ipinatong ang kamay sa ulo ko kaya bahagya kong inangat ang ulo ko para tumingin sa kanya. “You don’t have to worry about me, Zhairell. I know your situation and I don’t intend to make this difficult for you. Kuntento na ako na nakakasama kita at kapag may pagkakataon ay isinasama mo ako sa mga misyon mo. I had the chance to protect you.”


“North…”


Ngumiti siya. “So, let’s just stay as what we are right now,” he said. “Because I will never ask anything more than this.”


Comments