Zhairell Kheina X. Mirchovich’s POV (Chess’ White
Queen)
“Sigurado
ang kapatid mo na iyan ang grupong pinamumunuan ni Ravena?” tanong sa akin ni
Hydra na abala sa paglalagay ng bala sa hawak niyang sniper gun. “Hindi
pamilyar ang mukha ng mga iyan eh.”
Tumango ako. “Nandiyan ang dalawa sa mga pinatakas
ni Ry kaya nakakasiguro sila na iyan ang grupong nagpakilalang Ravena na siyang
tumambang sa kanila.”
“But what do you think?” tanong ni Cassiopeia
na nagmamanman sa grupong iyon. Silang dalawa naman ang kasama ko dito sa
observation tower para bantayan ang kilos ng mga kalaban na nasa bungad ng
lupain namin. “May kinalaman ba kay Ravena ang grupong iyan?”
Napakamot ako ng ulo. “Sa totoo lang ay hindi ko
alam.”
Kunot ang kanilang noo ng bumaling sa akin.
“Well, we all know Ravena,” sabi ko. “Hindi niya
kakalabanin ang mga taong alam niyang may kakayahan na balikan siya. And
torturing someone from Royal University will bring nothing but death to him and
to the people that he loved.”
Aware ang lalaking iyon sa power struggle na
nangyayari sa mundo. Alam din niya kung paano gumalaw ang mga taong may
malaking pangalan, malaking pera at impluwensiya.
Kaya nga sobra ang pag-iingat na kanyang ginagawa
sa tuwing may papasukin silang laban sa Underground.
Lagi niyang sinisiguro na laban para sa pera ang
papasukin niya nang sa gayon ay kahit may mapatay sila ay walang babalik para
gumanti.
Kaya napakaimposible na siya ang pinuno ng
kakalabanin namin ngayon.
Pero sa isang banda…
Ibinalik ko ang tingin sa direksyon kung nasaan ang
kampo ng kalaban.
“But that woman is there,” mahina kong sambit.
“Woman?” sabay na tanong ng dalawa.
“Iyong babae na may suot na gray sailor uniform at
may hawak na puting kaha ng katana,” sabi ko.
Agad nilang kinuha ang kanilang binocular at agad
na hinanap ang babaeng sinasabi ko.
“Oh?” ani Hydra. “Sino ang babaeng iyon?”
“That was his wife or something,” sagot ko. Though,
hindi ko alam kung natuloy ang kasal niya sa babaeng ito.
Pero alam ko kung gaano niya kamahal ang babaeng
ito kaya natuloy man o hindi ang kanilang kasal ay mananatili pa din siya sa
tabi nito.
“Iyan ang commander ng squad na susugod sa atin,
hindi ba?” ani Hydra.
Tumango ako. “Isa iyan sa gumugulo sa isip ko kaya
hindi nawawala sa isip ko ang posibilidad na ang grupo ngang iyan ay ang
pinamumunuan ni Ravena.” Napakamot ako ng ulo. “Possessive ang lokong iyon. At
minsang nabanggit ni Ravena sa akin noon bago ako tuluyang lumayo sa kanila na
gusto ng babaeng ito na sumali sa grupo nila. Noong una ay ayaw niya pang
pumayag ngunit nagtangka itong sumali sa ibang grupo kaya wala na siyang nagawa
kundi isali ito sa grupo niya.”
Para sa kanya, mas gugustuhin na niyang sa mismong
grupo niya kasali ang babaeng mahal niya nang sa gayon ay mabantayan niya ito
at maportektahan kaysa sa ibang grupo na mayroon pang posibilidad na makalaban
nila.
Hay nako!
Halos anim na buwan lang naman kaming nakakulong sa
loob ng Royal University. Pero napakalaking ng mga pagbabagong naganap sa buong
bansa nang lumabas kami.
At isa na doon ang grupong ito.
Huminga ako ng malalim. “Well, I guess I don’t
really have any choice but to look for an answer myself.”
Nakakapagod din na mag-isip ng mga teorya. Kaya mas
mabuting habulin na lang ang katotohanan.
Bumaling ako kina Hydra at Cassiopeia. “Tawagin
niyo na sina Phoenix. Magsisimula na ang laro.”
Ngumisi sila pagkuwa’y agad nilang binitbit ang mga
baril nila tsaka bumaba ng tower.
“Sana lang ay makapag-hold back ako kapag siya na
ang kaharap ko,” mahina kong bulong habang nakatitig sa babaeng iyon.
“Kakailanganin ko ng sagot sa mga katanungan ko bago harapin si Ravena.”
********************
3rd person’s Pov
Habang abala sa kani-kanilang trabaho ang Chess at
ang mga royal blood na pansamantala nilang pinapatuloy sa kanilang estate ay
abala din si Zhairell at ang kanyang grupo sa operasyon na kanilang gagawin.
Sa pamumuno ng Chess’ white queen, palihim na
pumuslit ang kanyang mga underlings palapit sa grupo ng Ravena na abala pa din
sa kanilang paghahanda para sa plano nilang pagsugod sa tirahan ng Chess.
At lingid sa kanilang kaalaman, mula sa dilim ng
hating gabi, isa-isa nang nababawasan ang kanilang mga kasama.
Zhairell and her underlings manage to sneak inside
Ravena’s base and start to take down their men, one by one.
They will sneak behind them, covering their mouth
to make sure that they will not make any kind of sound, and stab them in the
neck to finish the job.
They keep doing that and no one in the enemy’s
group manages to notice what is happening around them.
Even Caira, commander of Ravena’s squad, was
resting in her tent.
Kaya naman hindi na siya nakagalaw ng maramdaman
niya ang malamig at matalas na patalim na ngayon ay nakatutok sa kanyang leeg
habang nasa kanyang likuran ay si Zhairell na suot ang kanyang maskara.
“I don’t really know who to greet you,” sabi ni
Zhairell. “But well, I guess it is nice to meet you, Caira.”
“W-who are you?”
“The one that you are supposed to attack?” Kinuha
ni Zhairell ang posas na kanyang dala at agad iyong isinuot sa magkabilang
braso ni Caira matapos niya itong payakapin sa makapal na poste na nagsisilbing
haligi ng tent na tinutuluyan nito.
Maliban pa doon ay ipinosas din nito ang dalawa
nitong paa sa dulo ng mabigat na bakal na kanyang nakita habang papunta dito.
Nang masigurong hindi na ito makakatakas pa ay
nagpwesto siya ng upuan sa harap nito at naupo dito. “Hindi ko alam kung paano
ba natin uumpisahan ang pag-uusap nating ito.”
“Sa tingin mo ba ay makukuha kang impormasyon sa
akin?” matapang na sambit ni Caira kahit ang totoo ay kinakabahan na siya sa
kanyang nararamdaman habang nakatingin sa babaeng nasa harap niya.
Hindi niya ito kilala ngunit ramdam niya ang
nakakatakot at delikado nitong aura na siyang nagpapanginig ng kanyang katawan
ngunit hindi niya iyon maaaring ipakita dahil malinaw na kalaban niya ang isang
ito.
“Oh well. Why don’t we start with a simple introduction since it looks to me that you don’t know me.” Inalis ni Zhairell ang kanyang maskara at nakangiting tumingin dito. “I am Zhairell Kheina Xermin-Mirchovich.”
Comments
Post a Comment