“You’re drunk,” naiiling kong sabi nang salubungin ko si Enver pagpasok pa lang niya sa aming tahanan. “Again.”
Hindi ito ang una niyang paglalasing kaya kahit
masama ang aking loob ay hindi na ako nagsalita pa at inalalayan na lamang
siyang makapasok.
Idineretso ko siya sa aming silid dahil hindi na
din naman niya kayang tumayo ng mag-isa at nang maihiga ko sya ay isa-isa kong
inalis ang kanyang mga sapatos medyas.
Saglit muna akong bumaba sa kusina at kumuha ng
isang maliit na planganita na may lamang maligamgam na tubig at bimpo tsaka
bumalik sa kwarto.
Inilapag ko iyon sa side table pagkuwa’y
sinimulan ko namang hubarin ang lahat ng suot na damit ni Enver.
“En, stop resisting,” inis kong sabi dahil
nakikipag-agawan pa siya sa akin sa damit niya. “Pupunasan lang kita.”
“I can manage,” aniya. Pero hindi naman siya
tumatayo kaya nakikipagpilitan pa din akong alisin ang kanyang mga damit.
At isang malalim na hininga ang pinalabas ko
nang tuluyan ko siyang mahubaran matapos ang pagiging makulit niya.
Well, sanay na naman ako dahil sa halos anim na
buwan ay ganito ang gawain namin tuwing gabi na uuwi siya ng lasing.
Naupo ako sa gilid ng kama at sinimulan na
punasan ang kanyang mukha pababa sa kanyang katawan.
“You already told me that you will stop drinking
too much alcohol,” mahina kong sabi. “Kakagaling mo lang sa sakit noong
nakaraan tapos heto ka na naman.”
Hindi siya sumagot kaya bumuntong hininga na
lang ako at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa kanya.
Enver and I were once schoolmates when we were
in college. Hindi kami pareho ng course pero madalas kaming magkita sa library
kung saan kami nagre-review kapag may examination.
We always shared a table and often talked about
a certain topic in the books that we were reading back then.
Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin. At tulad
ng madalas mangyari sa isang babae at lalaki na laging magkasama, pareho kaming
na-fall sa isa’t-isa.
He courted me and I said yes to him within just
a month.
Ang sa akin naman kasi, kung talagang mahal niya
ako ay lagi niya pa rin akong liligawan kahit kami na.
And he did.
He showed me how much he loves and cares for me.
Hindi lumipas ang araw na hindi niya nasasabi kung gaano niya ako kamahal. At
hindi iyon nawala kahit ilang taon na ang lumipas.
He was three years older than me so he finished
his studies earlier. But that doesn’t change anything in our relationship even
though we started to rarely see each other because we are not in the same
school anymore.
Until he asked me to marry him right after I
graduated from college when I was 20 years old. And I didn’t think twice and
accepted him because I know that he will really take care of me for the rest of
our lives.
And I am willing to do the same to him.
But since he was still busy with his work, we
rarely saw each other even when we got married.
I lived in the house that he provided for us.
While he mostly stayed at the hotel where his works called him.
At naiintindihan ko naman iyon dahil nagsisimula
pa lang siya sa pagma-manage ng family business nila kaya kailangan niya na
laging nasa site para masiguro na magiging maayos ang lahat.
Besides, hindi naman siya nagkulang ng paglalaan
ng oras para sa akin.
Tumatawag siya paggising pa lang niya at
magkausap kami habang sabay na nag-aalmusal. Ganoon din sa tanghali tuwang
lunch break at maging sa aming hapunan. At bago matulog.
Nakikita ko ang lahat ng effort niyang iyon kaya
sino ba naman ako para maghangad pa ng sobra gayong natutugunan niya ako ng
atensyon na kailangan ko bilang kanyang asawa.
At nang tuluyan na niyang mapag-aralan ang lahat
tungkol sa kanilang kumpanya, dalawang taon matapos ang aming kasal ay tuluyan
na siyang umuwi sa akin.
Iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil
sa wakas ay makakasama ko na din sa iisang bubong ang aking asawa.
Iyon ang pagkakataon na naiparamdam namin kung
gaano namin kamahal ang isa’t-isa. At kung paano namin inaalagaan ang isa’t-isa
kahit pa pareho kaming mayroong trabaho.
Hindi kami nagkulang at talaga namang
hinihigitan pa namin ang pag-aalaga sa bawat isa habang lumilipas ang araw.
Pero…
Muli akong bumuntong hininga pagkuwa’y kinumutan
siya matapos kong mapunasan ang kanyang buong katawan. Itinabi ko na din ang
palangganitang may lamang tubig sa loob ng banyo at napatitig kay Enver na
mahimbing na ngayong natutulog.
Anim na buwan na ang nakakalipas ng magsimula
ang gabi-gabi niyang paglalasing.
At first, iniisip ko na normal lang iyon dahil
matagal-tagal din niyang hindi nakakasama ang mga kaibigan niya. Kaya naman
hindi ko binigyan ng kahit na anong kahulugan at iniintindi ko na lamang.
Ngunit sa bawat paglipas ng araw ay nagsisimula
nang magbago ang kanyang pakikitungo.
Laging mainit ang kanyang ulo kahit sa simpleng
pagtawag ko lang sa kanyang cellphone. At hindi na din siya nagpapaalam sa akin
tuwing aalis siya papasok sa kanyang trabaho o kaya naman ay may lakad sila ng
kanyang mga kaibigan.
At kapag naman kinakausap ko siya tungkol sa mga
pagbabago niya ay lagi lang niyang sinasabi na masyado lang akong nag-iisip.
He insisted that maybe I am just overthinking
again on things.
But I know there is really something going on.
And I can’t even do anything to find what might
be the reason behind all of this changes in him.
Napailing na lang ako at nahiga na sa kanyang
tabi.
Wala naman kasing magagawa ang pag-iisip kong
ito kaya mas mabuti pang magpahinga na lang muna ako dahil may trabaho pa din
ako bukas.
Kapipikit ko pa lang ng aking mga mata nang
biglang humarap sa akin si Enver kasunod nito ang mahigpit niyang pagyakap sa
akin.
At dahil sa yakap niyang iyon ay unti-unting
nawala sa isip ko ang mga pagbabagong nagaganap sa kanya nitong mga nakaraan.
Kaya niyakap ko nalang din siya.
Ngunit ilang sandali lang ay sinimulan na niyang
halikan ang aking leeg kasabay nang paggala ng kanyang kamay sa iba’t-ibang
parte ng katawan ko.
Akala ko ba ay tulog na ang lalaking ito?
Comments
Post a Comment